Wednesday, November 19, 2008

TUNAY NA KAGALAKAN


TUNAY NA KAGALAKAN

by: SNAYRS

Malakas na tinig aking narinig
Saan sulok ba ito ng daigdig
Pilit kong hinahanap
Hinahanap ng hinahanap,,,
Nsan ba? nsan na?
Nakakapagod na nasan Ka?
Sa aking paglalakbay
Maraming hadlang upang Ikaw ay makita
Minsan nadadapa, minsan lumuluha
Madilim and daan, walang mapuntahan
Nakakapagod man kailangan masumpungan
hindi matatahimik itong puso at isipan
Nasan ba? nasan KA?
Isang lugar ang aking nadaanan
Nagtatanong kung anong kailangan?
Umiiyak ako at nagsabing Ikaw ba ang nasa Tinig?
sa aking paglapit ako'y niyakap ng Mahigpit
Kailangan mong pakawalan ang iyong nakaraan
Pighati at galit iyong kalimutan
Nandito Ako iyong sandalan
Lahat ng Bagay ay may Dahilan
Basta sumunod sa Aki'y may kagalakan
Habang buhay kita'y mamahalin
Ang tanging nasambit ko
patawarin, akoy patawarin
JESUS Ikaw nga ang Ang nasa Tinig
Salamat sa pagmamahal na Iyong Inalay
Mahal kita, Mahal kita
Sa puso ko Manahan ka,
Landas mo ang daan upang Buhay ay maging magaan
sakit at pighati ay di mararanasan
Sapagkat Tanging SA'YO matatagpuan ang TUNAY NA KAGALAKAN.....

No comments: