Wednesday, November 19, 2008

Ikaw Lamang


Ikaw Lamang

By. Snayrs

Kung pag-ibig mo ang nais ko
Hayaan mo ang puso ko na umibig sa’yo
Di sapat ang pangako na alay mo
Nais ko ay pag-ibig na mula sa puso mo
Kung totoo ito ay mararamdaman ko
Ang puso ko ay patuloy na maghihintay sa’yo
Kay JESUS ko lang malalaman kung ikaw nga
Sapagkat Sya lang ang nakakaalam kung sinong nararapat
Ang tanging hiling ko lang ay wagas na pag-ibig
Hindi ko ito hahabulin, maghihintay ako hanggang ikaw ay dumating
Pangakong magmamahal sau ng panghabangbuhay
Sabay tayong magpupuri kay Jesus
Pagmamahal niya ang mabubuklod sa atin
Walang hanggang kagalakan sa puso mo sa puso ko
Bawat araw na handog ating pagsasaluhan
Tumanda man ako ikaw parin ay pagsisilbihan
Ikaw lang..Ikaw lamang….
habang buhay ikaw lamang...

No comments: