Bakit ba kailangan malungkot ang isang tao? Pwede naman na patuloy lang tayong maging Masaya, sa mga nagdaang araw ito ang aking naramdaman, may mga bagay na pilit bumabagabag sa aking isipan, iwaksi ko man ito, hindi ito mawalawala sa isipan, pag naisip ko naman na bakit ba ako malulungkot eh “life is beautiful”parang tanga lang noh? Sariling tanong, sariling sagot..wag kayo mabahala hindi pa naman ako nasisiraan ng ulo, isang umaga ng ako’y nagising isang mabigat na mata at mabigat na puso ang aking nararamdaman, hindi ko naisip na magpasalamat sa Diyos nung umagang iyon, habang nakatingin sa salamin isang tanong na naman ang nabuo sa aking isipan, Bakit ba mabigat ang aking puso at bakit kailangan kong umiyak? Syempre hindi ko muna ito nasagot, sa maghapong iyon, isang matamlay na maghapon ang lumipas, gabi na ng nasagot ko ang mga tanong, ang mga sagot lang ay masyado akong nagpapaapekto sa mga bagay na hindi ko naman dapat isipin at damdamin, mayroon pang bagay na mas dapat akong isipin, iyon ay isipin kong ano ang makakapagpasaya sa akin. Ganun ang buhay ng tao, may mga bagay na pilit na isinisiksik sa sarili pero patuloy lang naman ito na nagpapahirap sa atin, ngayon ko mas naisip na kailangan kong isipin kung ano nga ba ang magpapasaya sa akin at kung paano ko makakamtan ang tunay ng Ligaya.. Sa buong buhay ko, naitago ko ang poot at sakit na pilit kong isiniksik sa aking puso, iyon ang nagiging dahilan ng aking kalungkutan, Pero ngayon ay pilit ko na itong tinatanggal sa puso at isipan, kung papaano? Iyon ay ang paghariin ang Diyos sa puso ko. Siya lang at wala ng iba pa…
Nasulat ko yan November 5 pa, nakakatawa kc nagpagawa ng sanaysay ung cousin ko at ang nagawa ko ay sanaysay ng buhay ko,,hehehe post ko nlang din ung sanaysay na ipinasa niya.. yun lang Thank you!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment