Wednesday, November 19, 2008
Limipas na Panahon
Ang panahon ay madaling lumipas ilang dekada, panahon, iba’t ibang porma, mula sa damit at ayus ng buhok, kung dati gugo lang ngayon kailangan pang I rebond, ang bawat gamit din ay naiiba, kung iisipin natin ano ba ang pagkakaiba ng noon at ngayon? Bakit ang nakaraan ay nakalagpas sa buhay na kahit hindi madali ay Masaya? Ang poso na ngayon ay may water dispenser pa, ang simpleng kotseng kuba na ngayon ay Bmw na, mula sa makinilya hanggang sa laptop, mula sa telegrama na ngayon ay email na, high-tech di ba? Kung gaano ka High tech ang buhay mas naging komplikado pa, kamusta naman ang traffic sa lansangan, kung dati ay todo lakad ang mga tao ngayon kahit sa isang kanto lang ay kailangan pang sumakay ng tricycle. usok, alikabok , sirang daan yan ang bubungad sa atin sa tuwing tayo ay maglalakbay kung saan man tayo pupunta, nakakatawa dib a? madali na mahirap ang buhay, madali dahil bawat bagay na ating gamitin ay napapadali dahil sa makabagong teknolohiya, ngunit madali rin ang buhay ng tao, sa aksidente at sa sakit na dulot ng mga kinakain natin sa ngayon, ikaw magaan ba ang buhay mo ngayon? Isa ka ba sa nahihirapan maghanap ng trabaho? Naririnig mo pa ba ang huni ng ibon at ang pagtilaok ng manok sa umaga? Kailan mo huling nakita na malinis ang tubig ilog? Kailan ka huling nanungkit ng hinog na prutas sa inyong bahay? Meron pa ba? Nawawala na yata sila ang kalikasan ay kapalit ng karangyaan, kelan ka huling nagbasa ng liham, ang mga sulat ngayon ay ayaw mong basahin sapagkat ito ay sulat na nagsasaad na kailangan mong bayaran ang utang mo mula sa credit cards, bills ng cellphone nakakatuwa na noon ay tuwang tuwa ang tao kapag may liham na dumating sa bahay. Ganun talaga ang buhay na naplano ng Diyos para sa atin maging madali, pero dapat parin nating mahalin ang likha Nya para sa atin, ang kalikasan na patuloy na nagbibigay ng buhay at kaligayahan para sa atin. Gaano man kalawak ang mundo, ganun din sana tayo maging malawak ang kaisipan kung paano tayo magiging kuntento at Masaya sa ano man ang meron tayo, ang material na bagay ngayon ay isang panandalian na ligaya, pag nasira ay wala nang kabuluhan.
.
Yan ung Sanaysay na nagawa ko for Shiela my cousin.. nakakatuwa na kaya ko pala umisip ng mga ganyan, sometimes kc feeling ko pag nagsulat ako, hindi nman maganda sayang ung mga songs and tula na nasulat ko before natapon ko lang, ngayon i don't care kung hindi magustuhan ng iba..basta i love to write and i'm proud of it...God bless you, thanks for reading, hope like nio..haha..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment