Monday, August 2, 2010

Sugar Free


Sugar Free
by:moneng

Isang matamis na ngiti mula sayong labi
di maintindihan bakit nais kong masilayan
kapag malapit, hindi malaman kung saan kakapit
bilis ng tibok ng puso ay di mapigilan
parang hinahabol ng sampong aso sa may daan
bakit ganyan ang pakiramdam kapag ikaw ang nasa harapan

Biglang pumapasok na lang sa isipan
iniisip na sana ako din ang iyong nasa puso't isipan
May mali man dahil ikaw ay may ibang nais masilayan
wala nman ako magagawa kasi para kang asukal na kapag wala ay matabang
parang crayola isang kulay lang ay ayus na
yung ngitian mo pa, ay bongang bongga

Kakaiba talaga kapag may gusto ka
Kung gusto ay may paraan, kapag ayaw pinagtataguan
yun ba ung tinatawag na crush
sabi nga ito ay paghanga
nagsisimula sa mata na kapag nakita ay tunay na kay saya

Bakit nga ba ganyan ang pakiramdam
hindi maiiwasan kapag nakita ka ay kinikilig na lang
Automatic na ngiti lalabas nlang sa labi
oh bakit ganito oh bakit ka ganyan
wag ka nman maging sweet at ako'y nilalanggam
baka tuluyan na akong umibig sa iyo nyan
wag naman dahil takot akong masaktan
lalo na kung ikaw ang magiging dahilan

Ano ba nman kasi ang hiwaga sa puso ng bawat nilalang
yung gusto mo, ay may ibang inaasam
at yung may nais naman sa iyo, kahit anong gawin di mo kayang piliin
Ang puso talaga, kakaiba walang pwedeng magturo, walang pwedeng magdigta
kundi si God na alam kung sino talaga ang pinili Nya para habangbuhay na makasama

Hindi man alam kung kelan sya darating
kung si crush na nga ba ang dapat ibigin?
o si Juan na sa tabi ng daan ay nag-aabang
Sulyapan mo lang ay solve na ang umaga , tanghali at hapunan

oh puso o isip magkaisa nman kayo
maging tandem nman kayo sa buhay ko
ng di na magulo ang mundo ko
pati mundo ng ibang tao
nahihilo nalilito kung sino ang susundin sa inyo

hay pati ako nalito sa sinulat ko
sa totoo lang magulo
naiinip kasi ako sa ginagawa ko
mas lalong nalito ng maisip ko
ikaw at ang mga ngiti mo
na mas matamis pa sa leche flan ng nanay ko
mabuti pa tuldukan ko na
baka sa huli ikaw na
kay God hilingin ko na
ng tuluyan maging masaya ang ending nitong storya..:)












Wednesday, June 30, 2010

Gising na

Gising na
by: moneng


Gising na, ang umaga ay sumisilip na
lasapin ang hangin, buhay ay isipin
ano man ang suliranin
Ulit ulitin na alalahanin
Ikaw ay buhay parin

bangon na, ano pa bang hinihintay mo
Ikaw ay may hininga pa,
Isipin at sabihin sa Lumikha satin
Salamat sa Buhay na makulay
Ngiti na, Yun naman ang dapat di ba
ngumiti at maging masaya...

Umagang simula, gawing mapagpala
kung natulog na basa at dumaloy ang luha
Isipin na umaga ay bagong simula
Problema kung gustong mawala
Harapin ito ng may pananampalataya
Di nman dapat mangamba
kung si Hesus ang iyong kasama

Tatlong bagay ang dapat isipin
sa umaga palang ay iyong bilangin
Una - Mahal ka ng DIYOS
pangalawa - Na mahal mo ang Diyos
pangatlo - Ipamahagi ang Pagmamahal ng Diyos..

sending back to me...

Sunday, March 28, 2010

Minamahal kita


MINAMAHAL KITA

by: Snayrs

ako’y naghihintay sayo

Hinahanap hanap ka ng puso

Bawat ngiti , na pumapawi sa lungkot

Na nadarama, ikaw ang nagbibigay saya

Tuwing nanjan ka sa aking tabi

Malaya kong nadarama pagmamahal na kakaiba

Minamahal kita… sanay alam mo na

Minamahal kita,.yan ang tunay na nadarama

Kahit pilitin man ikaw ay kalimutan

Walang magawa kundi sundin itong puso hindi ang isipan

Talagang mahal kita, masaktan man, umiwas man

Ako’y magmamahal parin sa’yo

Lumipas man mga sandali, kahit wala ka sa tabi

Ikaw parin, ang nais ng damdamin

Pilitin man iwasan, kahit ikaw ay lumisan

Nananatili ka parin dito sa aking puso’t isipan

Tunay nga na pagmamahal

Ang nadarama tanging sayo.. para sayo

Ikaw lang ang mahal…

Kahit na masaktan pa,

Ibibigay parin ang himig nito

Sa aking mga awitin na para lang sayo

Sana nman, alam mo na, na ikaw ay….

Minamahal ko…

- i wrote this semi song, semi poem..ayaw ko ng lagyan ng tono tula na nga lang.,,.haha tinamad na ko, kasi tinatamad narin kasi ang puso ko. i made this because it was real that time, and now i don't know na. if I'm not the one for you, i make sure that you're not the one for me...