Wednesday, November 19, 2008

Ngiti lang


Ngiti lang
by snayrs

Sa paggising mo, ngiti lang
Bawat oras ay makabuluhan
Tinggnan lang ang kapaligiran
Damdamin ang blessings, ngiti lang
Kung ikaw ay nadapa, ngiti lang
Kaya mo yan, bumangon ka na parang wala lang
Kung may pimples ka ngiti lang
Mawawala rin naman yan
Kapag ikaw ay malungkot,
Mag pray lang
Sa Kanya mo hanapin ang Kagalakan
Kapag napagod ka sa paglalakad
Sige lang wag kang hihinto o lilingon man lang
Sapagkat baka hindi umabot sa patutunguhan
Ano man ang pagsubok, ngiti lang
Masaktan man ang puso, ngiti lang
Lilipas din naman yan
Kung bumuhos ang ulan ngiti lang
Sisikat din naman ang araw pagtila ng ulan
Maging Masaya ka sa buhay mo
Marami pang bagay na importante kaysa sa Pagsimangot mo
Hanggang may buhay ngiti lang
Kung Diyos ang kasama hindi lang ngiti yan…
100 percent sa puso mo ay may kagalakan…

1 comment:

Noel A. Bayron said...

smile..........:) tama ka dyan!