Monday, August 2, 2010

Sugar Free


Sugar Free
by:moneng

Isang matamis na ngiti mula sayong labi
di maintindihan bakit nais kong masilayan
kapag malapit, hindi malaman kung saan kakapit
bilis ng tibok ng puso ay di mapigilan
parang hinahabol ng sampong aso sa may daan
bakit ganyan ang pakiramdam kapag ikaw ang nasa harapan

Biglang pumapasok na lang sa isipan
iniisip na sana ako din ang iyong nasa puso't isipan
May mali man dahil ikaw ay may ibang nais masilayan
wala nman ako magagawa kasi para kang asukal na kapag wala ay matabang
parang crayola isang kulay lang ay ayus na
yung ngitian mo pa, ay bongang bongga

Kakaiba talaga kapag may gusto ka
Kung gusto ay may paraan, kapag ayaw pinagtataguan
yun ba ung tinatawag na crush
sabi nga ito ay paghanga
nagsisimula sa mata na kapag nakita ay tunay na kay saya

Bakit nga ba ganyan ang pakiramdam
hindi maiiwasan kapag nakita ka ay kinikilig na lang
Automatic na ngiti lalabas nlang sa labi
oh bakit ganito oh bakit ka ganyan
wag ka nman maging sweet at ako'y nilalanggam
baka tuluyan na akong umibig sa iyo nyan
wag naman dahil takot akong masaktan
lalo na kung ikaw ang magiging dahilan

Ano ba nman kasi ang hiwaga sa puso ng bawat nilalang
yung gusto mo, ay may ibang inaasam
at yung may nais naman sa iyo, kahit anong gawin di mo kayang piliin
Ang puso talaga, kakaiba walang pwedeng magturo, walang pwedeng magdigta
kundi si God na alam kung sino talaga ang pinili Nya para habangbuhay na makasama

Hindi man alam kung kelan sya darating
kung si crush na nga ba ang dapat ibigin?
o si Juan na sa tabi ng daan ay nag-aabang
Sulyapan mo lang ay solve na ang umaga , tanghali at hapunan

oh puso o isip magkaisa nman kayo
maging tandem nman kayo sa buhay ko
ng di na magulo ang mundo ko
pati mundo ng ibang tao
nahihilo nalilito kung sino ang susundin sa inyo

hay pati ako nalito sa sinulat ko
sa totoo lang magulo
naiinip kasi ako sa ginagawa ko
mas lalong nalito ng maisip ko
ikaw at ang mga ngiti mo
na mas matamis pa sa leche flan ng nanay ko
mabuti pa tuldukan ko na
baka sa huli ikaw na
kay God hilingin ko na
ng tuluyan maging masaya ang ending nitong storya..:)












No comments: