Wednesday, June 30, 2010

Gising na

Gising na
by: moneng


Gising na, ang umaga ay sumisilip na
lasapin ang hangin, buhay ay isipin
ano man ang suliranin
Ulit ulitin na alalahanin
Ikaw ay buhay parin

bangon na, ano pa bang hinihintay mo
Ikaw ay may hininga pa,
Isipin at sabihin sa Lumikha satin
Salamat sa Buhay na makulay
Ngiti na, Yun naman ang dapat di ba
ngumiti at maging masaya...

Umagang simula, gawing mapagpala
kung natulog na basa at dumaloy ang luha
Isipin na umaga ay bagong simula
Problema kung gustong mawala
Harapin ito ng may pananampalataya
Di nman dapat mangamba
kung si Hesus ang iyong kasama

Tatlong bagay ang dapat isipin
sa umaga palang ay iyong bilangin
Una - Mahal ka ng DIYOS
pangalawa - Na mahal mo ang Diyos
pangatlo - Ipamahagi ang Pagmamahal ng Diyos..

sending back to me...

2 comments:

Clarisse said...

love it... :) ganda..

moneng said...

hehe thanks sis..:)