Monday, August 2, 2010

Sugar Free


Sugar Free
by:moneng

Isang matamis na ngiti mula sayong labi
di maintindihan bakit nais kong masilayan
kapag malapit, hindi malaman kung saan kakapit
bilis ng tibok ng puso ay di mapigilan
parang hinahabol ng sampong aso sa may daan
bakit ganyan ang pakiramdam kapag ikaw ang nasa harapan

Biglang pumapasok na lang sa isipan
iniisip na sana ako din ang iyong nasa puso't isipan
May mali man dahil ikaw ay may ibang nais masilayan
wala nman ako magagawa kasi para kang asukal na kapag wala ay matabang
parang crayola isang kulay lang ay ayus na
yung ngitian mo pa, ay bongang bongga

Kakaiba talaga kapag may gusto ka
Kung gusto ay may paraan, kapag ayaw pinagtataguan
yun ba ung tinatawag na crush
sabi nga ito ay paghanga
nagsisimula sa mata na kapag nakita ay tunay na kay saya

Bakit nga ba ganyan ang pakiramdam
hindi maiiwasan kapag nakita ka ay kinikilig na lang
Automatic na ngiti lalabas nlang sa labi
oh bakit ganito oh bakit ka ganyan
wag ka nman maging sweet at ako'y nilalanggam
baka tuluyan na akong umibig sa iyo nyan
wag naman dahil takot akong masaktan
lalo na kung ikaw ang magiging dahilan

Ano ba nman kasi ang hiwaga sa puso ng bawat nilalang
yung gusto mo, ay may ibang inaasam
at yung may nais naman sa iyo, kahit anong gawin di mo kayang piliin
Ang puso talaga, kakaiba walang pwedeng magturo, walang pwedeng magdigta
kundi si God na alam kung sino talaga ang pinili Nya para habangbuhay na makasama

Hindi man alam kung kelan sya darating
kung si crush na nga ba ang dapat ibigin?
o si Juan na sa tabi ng daan ay nag-aabang
Sulyapan mo lang ay solve na ang umaga , tanghali at hapunan

oh puso o isip magkaisa nman kayo
maging tandem nman kayo sa buhay ko
ng di na magulo ang mundo ko
pati mundo ng ibang tao
nahihilo nalilito kung sino ang susundin sa inyo

hay pati ako nalito sa sinulat ko
sa totoo lang magulo
naiinip kasi ako sa ginagawa ko
mas lalong nalito ng maisip ko
ikaw at ang mga ngiti mo
na mas matamis pa sa leche flan ng nanay ko
mabuti pa tuldukan ko na
baka sa huli ikaw na
kay God hilingin ko na
ng tuluyan maging masaya ang ending nitong storya..:)












Wednesday, June 30, 2010

Gising na

Gising na
by: moneng


Gising na, ang umaga ay sumisilip na
lasapin ang hangin, buhay ay isipin
ano man ang suliranin
Ulit ulitin na alalahanin
Ikaw ay buhay parin

bangon na, ano pa bang hinihintay mo
Ikaw ay may hininga pa,
Isipin at sabihin sa Lumikha satin
Salamat sa Buhay na makulay
Ngiti na, Yun naman ang dapat di ba
ngumiti at maging masaya...

Umagang simula, gawing mapagpala
kung natulog na basa at dumaloy ang luha
Isipin na umaga ay bagong simula
Problema kung gustong mawala
Harapin ito ng may pananampalataya
Di nman dapat mangamba
kung si Hesus ang iyong kasama

Tatlong bagay ang dapat isipin
sa umaga palang ay iyong bilangin
Una - Mahal ka ng DIYOS
pangalawa - Na mahal mo ang Diyos
pangatlo - Ipamahagi ang Pagmamahal ng Diyos..

sending back to me...

Sunday, March 28, 2010

Minamahal kita


MINAMAHAL KITA

by: Snayrs

ako’y naghihintay sayo

Hinahanap hanap ka ng puso

Bawat ngiti , na pumapawi sa lungkot

Na nadarama, ikaw ang nagbibigay saya

Tuwing nanjan ka sa aking tabi

Malaya kong nadarama pagmamahal na kakaiba

Minamahal kita… sanay alam mo na

Minamahal kita,.yan ang tunay na nadarama

Kahit pilitin man ikaw ay kalimutan

Walang magawa kundi sundin itong puso hindi ang isipan

Talagang mahal kita, masaktan man, umiwas man

Ako’y magmamahal parin sa’yo

Lumipas man mga sandali, kahit wala ka sa tabi

Ikaw parin, ang nais ng damdamin

Pilitin man iwasan, kahit ikaw ay lumisan

Nananatili ka parin dito sa aking puso’t isipan

Tunay nga na pagmamahal

Ang nadarama tanging sayo.. para sayo

Ikaw lang ang mahal…

Kahit na masaktan pa,

Ibibigay parin ang himig nito

Sa aking mga awitin na para lang sayo

Sana nman, alam mo na, na ikaw ay….

Minamahal ko…

- i wrote this semi song, semi poem..ayaw ko ng lagyan ng tono tula na nga lang.,,.haha tinamad na ko, kasi tinatamad narin kasi ang puso ko. i made this because it was real that time, and now i don't know na. if I'm not the one for you, i make sure that you're not the one for me...


Sunday, April 5, 2009

Pag-ibig

Ang Pag-ibig
hindi mo kayang sukatin,
di mo alam san ka dadalhin
kung ito ang masira
wala na bang kabuluhan?
Paano mo ba maiiwasan?
Lumayo? umiwas, magtago?
hanggang saan? hanggang kailan?
walang katiyakan
paano kung hindi pala?
paano mo makikita?
Tunay na pag-ibig nasaan ka?
Minsan darating sa buhay
Ang pag-ibig na wagas
Mahirap harapin, takot masaktan
Puso na iniingatan
baka tuluyan na masugatan
kung may takot man,
Paano mo ito malalaman
Kung pag-ibig na kaya
Sana ito na nga..

hahaha senti mode... pag-ibig kasi parang friendster, it's so complicated, pero masaya nman yun pag truly madly deeply do..hahaha


Wednesday, March 11, 2009

10 Things...


Ayan I have 38 minutes to do this blog, ano ba ang dapat kung isulat, i want my mind busy kc ayoko mainis(bawal mainis mahal ang mais, yan ang sabi ng pinsan ko hehehe)... Lord more patient pa po... 1002 smiles for everyday para looking beautiful everyday, sometimes it so easy for me to get mad to someone, ayoko ng ganun, thats why this time, i have to do something para hindi ganun ang attitude ko... this is it....

10 things not to get mad(tama ba?)
kung bakit baligtad ang numbering(secret)

10. Think Positive to someone.... (bka meron syang reasons bakit nya nagagawa ang mga bagay na mali sa kapwa).

9. Be patient(more more more) .

8. Be humble (connected yan promise!)


7. Love your enemies ( i think number 1 dapat yan hehehe)


6. Always see the bright side(sabi sa song I'm looking for the brighter days, kung gus2 natin
ng brighter days, always see brighter side...o ayan pinagulo ko lang konte..hehehe)


5. Don't be selfish (If we think of ourselves agad, kung ung feelings agad natin, madali nga tayo magagalit, (ganun ako weh... pero seasons of changes na..Thank GOD

4. Be kind to someone(always) -kahit ano pa gawin nya sau, lift up him/her to the LORD, si Lord na bahala..

3. Give the best smiles that comes from your heart.. pero kung hindi nman best, ok na yung smile nalang... ngiti lang, live your life to the fullest...wow shout out sa friendster..hehehe

2.Pray (when u feel that ur heart getting harder, pray agad, talo niya ang gamot na Simeco mas mabilis yun answer) yan ang mabisang gamot, free pa...

1.Look unto the LORD (and you will never get mad)


"Let all bitterness and wrath and anger and clamor and slander be put away from you, with all malice, and be kind to one another, tenderhearted, forgiving one another, as God in Christ forgave you. Therefore be imitators of God, as beloved children. And walk in love, as Christ loved us and gave himself up for us, a fragrant offering and sacrifice to God." Ephisians 4:31 - 5:2

As I seach for the right verse for this blog, i saw this site very inspiring... check it out.. God Bless You!!!
http://www.desiringgod.org/ResourceLibrary/Sermons/ByDate/1986/563_Be_Kind_to_One_Another/

Monday, March 9, 2009

just call me

I get bored sa shop, thats why i make myself busy, answering questions from bulletins, blogs, and i read devotions from purpose driven life, but one of my favorite is writing in my blogs, sharing my life changing experienced from my past to present, my happy moments etc.. i'm a writer naks sosyal, eversince my hobby is to write a poem,(syang ung iba ko na compose, natapon ko na) i'm also a composer of my own songs, pero may sariling mundo sya,,anyways wag nalang ung song hahaha... tagged from ate minette to pero nakuha ko kay ate marie so tagged narin from ate marie

RULE: list all the names you were called by and the people who calls you that. Tag at least 5 members of your contacts and give a comment on their site for them to know they've been tagged.

Monette - my real name

net - obviously pag close na, mejo net na tawag..or pag tamad na magsalita hahaha

Moneng - Kc, gave that nickname, rickson, my dgroup also calls me that name.

Monetsky - name ko sa friendster, sa shop, sometimes sa dgroup yan ang tawag sakin.

Monetchi - only kuya chester call me that name, ayoko nga parang sa bading, pero way ng paglalambing niya yun.

Mimi - c migol lang ang tumatawag sakin nyan, but sa side ni kuya michael yan na tawag sakin.

Netmo - my colleges friends yan ang tawag, minsan Tol, hahaha

Neng - from the name moneng, ate anna, Kc and ate marie call me that name, saka ung ale minsan Neng sukli mo..oha!

Men - only two people call me that, wow buti hindi tumitingin ung iba,,hahaha my best buds, marvin and elaine.

Chirira - name ko nung COCC, Sir Jerome pangan gave that name, saan nya kaya nakuha?ahehe

Snayrs - my bestfriend arlene lang tumatawag sakin nyan, missin' tumbalelong so much...

Pos - sweet ng nanay ko yan ang tawag sakin.. kung bakit yan(secret) minsan anak, kc anak nya ko. hahaha

Ija ko - my 'nay and amang call me that...hahaha (sarap sa pakiramdam, so special)

Mam Mateo - wow officer nako nun hehehe,, pero hanggang ngaun pag nakita ko mga CoCC ko before, yan na tawag nila...super formal...

Girl - yes, super girl, Linette, juvel,joy,elena, lyn, and maricel call that name. actually ako nagsimula ng tawagan na yan..

Kulotski - ayan nagpakulot ako, nadagdagan ang name ko, hehehe Ade and Kc call me that name.

Panget - mark col me panget, sweet nya,,hehehe yan din tawag ko sa kanya..haha

Bunso - only my kuya phods call me bunso.. missin u kuya,

Patotzy - c calabasa lang tumatawag sakin nyan..hehehe lamyu

Kahit anong names pa yan, if you need me, just call me and i'll be there..hehehe

i tag claris, ate anna, ate marie, ade and ate minette..



Starts with Letter M

Tagged by Chlarej

It's not that hard. Copy to your own note, erase my answers, enter yours, and tag 5 people.

Use the first letter of your name to answer each of the following questions. They have to be real...nothing made up! If the person before you had the same first initial, you must use different answers. You cannot use any word twice and you can't use your name for the boy/girl name question.

1. What is your name : Monette

2. A four Letter Word : Made

3. A boy's Name : Mark

4. A girl's Name : Mikhail pang girl ba yun?

5. An occupation : Manager

6. A color : mink, joke maroon

7. Something you'll wear : make up

9. A food : Mechado

10. Something found in the bathroom: Mat

11. A place : MIlan

12. A reason for being late : Mabagal hahaha

13. Something you'd shout : Move

14. A movie title : Madagascar

15. Something you drink : mango juice

16. A musical group: Millsong hehehe Musikatha

17. An animal : Monkey

18. A street name : Manhatan street.

19. A type of car : Mercedes benz

20. The title of a song : Mighty to save

ANd i tag... wala ako maisip na tag na nila ko,,hahaha